MAESTRO

Chapter 1: The Flores and Valdez



Title: MAESTRO

Episode 1

Episode title: The Flores and Valdez

Written by: Rico Marcelo

PREVIEW OF MURDER OF TWO GIRLS

Umuulan ng malakas, Kumukulog, kumigidlat sa VALDEZ ARTS HIGH SCHOOL

[UMUULAN]

[KUMIGIDLAT]

[KUMUKULOG]

Scene 1

EXT. SA HAGDAN PAPUNTANG MAIN GATE- NIGHT

Umuulan ng malakas na May kasamang kulog at kidlat Si Sofia Flores ay duguan na Naka handusay sa May gitna ng hagdanan at Humihingi ito ng tulong

SOFIA(Nahihirapang huminga)

Tulong, Tulungan niyo ko parang awa niyo na, Gusto ko pang mabuhay

ACTION DESCRIPTION

At May bumababa Mula sa May hagdan at papunta ito kay Sofia Naka suot ito ng kapoting itim at hindi makita ang mukha nama'y hawak itong Trophy

Tumingin naman si Sofia dito at Humihingi ng tulong at inaabot ang kanyang Kamay

SOFIA (Nahihirapang huminga)

Tulungan niyo po ako Sir parang awa niyo na gusto ko pa Pong mabuhay

ACTION DESCRIPTION

At Umupo ang taong Naka kapoting itim at

Inangat ang Hawak niyang trophy at Hinampas ito ng malakas kay Sofia ng tatlong beses at tumalsik ang mga dugo nito

[KUMIGIDLAT]

ACTION DESCRIPTION

At May Sumigaw na boses babae sa May Building, at napa tingin ang taong Nakakaputing itim

Scene 2

INT. CORRIDOR - NIGHT

Sinasakal naman ang isang estudyanteng babae nasi Juliana Reyes ng Naka Jacket na itim at Naka masskarang

[KUMIGIDLAT]

[KUMULOG]

Nang lalaban naman si Juliana habang ang nananakal sa kanya ay Gi-gil na Gi-gil

Bigla namang sinipa ni Juliana ang nananakal sa kanya at nakawala siya ngunit hinabol siya nito, At umakyat siya sa hagdan habang umiiyak

At patuloy parin siyang hinahabol ng Naka Jacket na itim hangang makaakyat na sila sa Rooftop, pagdating sa taas ay biglang natapilok si Juliana

Juliana:(umiiyak)

[UMUULAN]

[KUMIGIDLAT]

[KUMUKULOG]

At ng makaakyat na ang Naka Jacket na itim na Naka masskarang itim at dahan dahan itong lumapit kay Juliana, at si Juliana ay napaatras sa takot habang umiiyak

Juliana:(Umiiyak) Wag niyo Pong patayin Parang awa niyo na

At patuloy na naglalakad yung Naka Jacket na itim, at habang naglalakad ito ay biglang tumakbo si Juliana, at pagtakbo ni Juliana ay hinabol siya at na-huli hinawakan siya sa buhok sa ka ito tinulak ng malakas, papunta sa May pahulog, at nahulog na nga ito

[Slow motion]

At bumagsak na nga ito sa May Roof glass ng lobby ng eskwelahan ng malakas, at bumagsak si Juliana sa statua ng founder ng eskwelahan at pagbagsak nito ng malakas ay nagsitalsikan ang mga dugo at nag kalat

Let's begin the story

Scene 1

EXT. PALAUIG ZAMBALES - DAY

Pinapakita ang magagandang tanawin sa Palauig Zambales, Naririnig ang mga ibon, sasakyan, at boses ng maraming tao.

Scene 2

INT. BAHAY NILA EDWARD FLORES - DAY

Si Edward Flores ay isang high school teacher at single dad sa kanyang anak, Sofia Flores ay isang high school student na gustong gusto dumugtog ng piano, Si chielo Flores ay nanay ni Edward at lola ni Sofia at masipag na lola.

Nag handa ng almusal si chielo at lumabas na si Edward upang mag-almusal

Edward: (nakangiti) Good morning ma

Cielo: o Anak, Mabuti't bumangon Kana ng makapag almusal na

At Umupo si Edward

Edward: Si Sofia ma

Chielo: Nasa kwarto niya, Nag pa-practice, Disitido na yata yang anak mo na makapasok sa Arts high school sa Musical Class

At tumingin si Edward sa Kwarto

Scene 3: Sa kwarto ni Sofia

INT. KWARTO NI SOFIA- DAY

Si Sofia ay tumutugtog ng violin at ang kaniyang tinutugtog ay Caprice No. 24, At Habang tumutugtog si Sofia ay Sumilip naman ang kanyang ama na si Edward, at nasilayan nito sa galing sa pagtugtog

Edward:(Nakangiti) anak

Sofia: Pa

At Lumapit si Edward kay Sofia

Edward: Gusto Mo ba talagang mag-aral sa arts high school

Sofia: Opo pa gusto ko po talagang tumutugtog

At napangiti si Edward

Sofia: Ba't ganyan po kayo makatingin Hindi po ba ako magaling

Edward:(Tumawa) Syempre magaling, Sa akin ka kaya nag mana

At nagtawanan ang dalawa

Edward: Alam mo ba noon anak, May ganyang pangarap din Ako dati

Sofia: Ano po yon pa

Edward: Mag drawing, pero sa kasamaang palad hindi ko yon nakuha

Sofia: Bakit po ano pong dahilan at hindi niyo po nakuha

Edward: Mahabang kwento

At tumingin si Edward sa orasan

Edward: Saka ko nalang i kwento sayo kapag hindi tayo ma le-late

Sofia:Papa naman eh

Scene 4: Sa mansyon ng mga Valdez

INT. MANSYON NG MGA VALDEZ- DAY

Ang Mansyon ng mga Valdez ay sobrang ganda, Classical at puno ng mga mamahaling Furniture, Marami silang Kasama bahay at iba pang trabahador

Scene 5: Valdez Poblacion

EXT. VALDEZ POBLACION STREET- DAY

Sakay naman ng magarang sasakyan, si Senior. Ignacio Valdez ang Founder ng mga pinakamalaking kumpanya sa buong Pilipinas at Former president, Kasama naman niya ang kanyang dalawang anak na si Hernalyn Valdez at Benedict Valdez na kasalukuyang tumatakbo po sa pagka presidente

Sr.Ignacio: Kamusta naman ang iyong kampanya

Benedict: Ok na po papa, ako parin po ang pinamalakas na kandidato

At tumingin naman si Benedict kay Hernalyn

Sr.ignacio: Hernalyn, ikaw ang sikat sa pamilya bakit hindi mo i-endorso ang iyong Kuya

Hernalyn: Mukhang naman di na niya kailangan papa, kagaya nga ng sinabi niya siya ang pinamalakas sa lahat, Let's see kung mag la-landslide siya sa darating na Eleksyon

Scene 6: Sa labas ng mansyon

INT. MANSYON- DAY

Habang gumagawa ng mga gawain ang mga trabahador dumating ang head nila

Head worker: Paparating na ang senior, salubungin natin

Scene 7

EXT. SA LABAS NG VALDEZ MANSYON- DAY

Nag sisilabasan ang mga trabahador ng mansyon saka pumipila sa gilid, at pa dating ang mga sasakyan at sinasakyan ng tatlong valdez.

At pagdating ng Nina Senior. Ignacio, Hernalyn at Benedict ay Naka pila sa gilid ang mga trabahador upang sa lobongin naglakad sila at pumasok na sila sa mansyon

Scene 8

INT.MANSYO-DAY

Pagka pasok ng mag aama ay binati sila ng mga trabahador

Mga trabahador: Maligayang pagbabalik senior.

Sr.ignacio: Maraming salamat, Magsibalik na kayo sa mga trabaho ninyo.

At nag si alisan na ang mga trabahador

Hernalyn: Dapat ba palagi kayong nakakatanggap ng greetings mula sa mga trabahador natin, Kahit na sa sobrang sama ng ugali niyo

Sr.ignacio: Aba dapat lang, Binabayaran at pina palamon ko sila, kaya dapat lang na magbigay galang sila sa akin... Mag pahinga na kayo

At paalis na sina Benedict at Sr. Ignacio

Hernalyn: aalis ako mamaya,(Tumingin sa kanila) May meeting ako with my business partner

At napa tingin ang dalawa, at umalis na si Hernalyn

Benedict: Magpapahinga na po ako papa

Sr.ignacio: Sandali

At napalingon si Benedict

Sr. Ignacio: May alam kaba kung ano ang pinaplano ng kapatid mo

Benedict: Wala po papa

At Umalis na si Benedict

Scene 9

INT. PIANO ROOM- DAY

May isang estudyanteng babae na tumutugtog ng piano at ang kaniyang tinutugtog ay La campenella, at tila na tutuwa ang kanyang teacher

At ng natapos na siyang tumugtog ay natuwa ang kanyang guro

Juliana: Mr. Alvarez magaling na po ako

Mr. Alvarez. Oo Siguradong matutuwa ang papa mo, tumugtog ka pa ulit

Juliana: (nakangiti) Sige po

At nag patuloy sa pag togtug si Juliana

Scene 10

INT. OFFICE OF THE DIRECTOR- DAY

inaayos ang opisina ng bagong direktor ng Valdez arts high school na si Benny Reyes, ay naglalakad lakad ito sa kanyang napakalaking opisina

Pumasok si Shaina sa kanyang opisina

Shaina: Wow,

Benny: Oy, Shaina pasok

Shaina: From teacher to principal and now, the new Director, iba talaga kapag talaga kayo ang may ari

Benny: Oy hindi naman

At nagtawanan ang dalawa

Shaina: Nagsisi tuloy ako kung bakit pa kita pinakawalan Nong high school tayo

Benny: Wag kanang magsisi May asawa Kana

Shaina: Oo nga eh, wait

Benny: Bakit

Shaina: Natanggap muna ba yung listahan ng bagong mag e- exam na Violin student

Benny: Oo, pero hindi ko pa na Che-Check

At kinuha ni Benny ang listahan

Shaina: hay nako unahin mo na yung isang student na outstanding ang performance niya

Benny: Sino itong, Sofia Flores

Shaina: Oo, balita ko teacher din yung tatay niya

Benny: Talaga, anong klaseng teacher

Shaina: Science teacher

Staff: Sir, kayo na daw Pong bahala sa mga libro niyo

Benny: Yes, ako ng bahala don

Benny: Tara

At Umalis sina Benny at Shaina

Scene 11

INT. CORRIDOR - DAY

Naglalakad si na Benny at Shaina pa punta sa dating office ni Benny

Phone Ringing

Benny: Sagutin ko lang tong call

Shaina: Sure, Mauna na ako don

At umalis na si Shaina

Scene 12

EXT. ROOFTOP- DAY

Sinagot ni Benny ang kanyang phone call

Hernalyn is calling

Benny:Hello

Scene 13

INT. CAR- DAY

Nasa loob ng kotse si Hernalyn habang kausap niya si Benny

Hernalyn: Makakapunta ka sa birthday ni papa next week

EXT- ROOFTOP - CONTINUES

Benny: Hindi ko pa alam

INT. CAR- CONTINUES

Hernalyn: Kailangan pumunta ka lahat sila pupunta

EXT. ROOFTOP- CONTINUES

Benny: Tapos ang mangyayari, Mag aaway away nanaman

INT. CAR- CONTINUES

Hernalyn: Let's see

At natapos na ang kanilang tawagan

INT. PRINCIPAL OFFICE - DAY

Naglalakad lakad si Shaina sa dating office ni Benny na dating principal

Napahinto si Shaina sa May table

Shaina: Bakit kaya ayaw na niya ipagamit to sa susunod na principal

At habang tumitingin si Shaina sa paligid ay May bigla siyang napansin sa May bookshell at agad niya itong pinuntahan, at habang nagtitingin siya ng mga libro ay May nakita siyang isang finger print na buksanan at agad niya itong hahawakan.

At ng hahawakan na niya ay nila siya nagulat kay Benny

Benny: Shaina

Shaina:(nagulat)ay(napapikit)

At agad tinakpan ito ni Shaina

Benny: are you okay

Dumilat at tumingin kay Benny

Shaina: Oo, ayus lang ako

Benny: Tara lunch

Shaina: Sure, Kukunin ko lang yung bag ko

At umalis si Shaina habang tumitingin si Benny sa kanya paalis.

At Tumingin naman ng masama si Benny sa May bookshell

scene 14

EXT. MALACAÑANG PALACE- DAY

Dumating ang sasakayan ni Hernalyn sa Malacañang at pinagbuksan siya ng kanyang mga tauhan.

At naglakad ito papasok sa Malacañang

Scene 15

INT. MALACAÑANG CORRIDOR - DAY

Naglalakad si Hernalyn papunta sa Opisina ng presidente.

Scene 16

INT. OFFICE OF THE PRESIDENT - DAY

Nag-uusap ang presidente at ang bise presidente na sina President. Reynaldo Valdez Dela Cruz at Vice president. Arthuro Pineda, kasama Nina ang dalwang tumatakbo sa election na sina Presidential candidate. Aljun Valdez Dela Cruz at Vice presidential candidate. Marie Pineda

Reynaldo: Kamusta naman ang kampanya

Aljun: Hindi po maganda dad, nangunguna ang magaling kong pinsan

Reynaldo: Wag kang mag alala( uminom ng chaa) Nasa sayo naman ang Suporta ni Hernalyn

Aljun: Paano ka nakakasiguro dad

Reynaldo: Sinuportahan niya kami ng uncle mo noon

Arthuro: Tama, ang iyung ama, Hindi din naman sila magkakasundo, at tsaka anak lang naman sa labas si Hernalyn

Pumunta ang Isang PSG sa kanila

PSG: Mr. President, andito na po si Ms. Hernalyn ang Chairwoman ng Prime wave group

At dali daling pumasok si Hernalyn at bumati

Hernalyn: Magandang Umaga sa'yo Mr. President and Mr. Vice president

Reynaldo: Maupo ka eha

At umupo si Hernalyn

Reynaldo: Ano ang agenda natin ngayon

Hernalyn: Posibleng manalo si Kuya sa darating na Eleksyon

Reynaldo: Wala na bang ibang paraan

Hernalyn: Meron pa, kung mahahanap natin ang ebidensiya na May kinalaman siya sa pagkamatay ni President. Montenegro noon.

Aljun: Paano ka nakakasiguro, na May kinalaman si Benedict sa pagkamatay ni President. Montenegro noon

Lumingon si Hernalyn kay Aljun

Hernalyn: Hindi ko na kailangan sagutin ang tanong mo na yan, basta sigurado ako siguradong Sigurado.

Aljun: Sige, Hanapin natin ang ebidensiya

Marie: Ako ng bahala sa paghahanap ng Ebidensyang yon, basta Siguraduhin niyo lang ang pagkapanalo ko.

Hernalyn: Wag kang mag-alala Sigurado ang pagkapanalo mo.

Hernalyn: Madali nalang yun, Kung mapapaniwala mo si kuya na kakampi ka, Pero hindi ganon kadaling makuha ang tiwala niya.

Aljun: Eh pano kung hindi niya nakuha ang tiwala ng taong yun

Hernalyn: Hindi naman tayo kay Kuya magsisimula

Arthuro: Kay Sabrina, Ang sinabi nilang magiging First lady

Hernalyn: Kung sino ang pinagkakatiwalaan ni Sabrina ay siya ding pinagkakatiwalaan ni kuya, Tama ba ako Mr. President

Reynaldo: Exactly

At nagkatinginan sina Hernalyn at Pres.Reynaldo

Scene 17

INT. INTERNATIONAL AIRPORT- NIGHT

[Tunog ng Eroplano]

[Boses ng announcer]

Naglalakad Sina Sabrina Reyes Valdez asawa ni Benedict at Sina Camille Valdez at Rafael Valdez na Anak nila.

Naglalakad sila habang dala dala ng mga tauhan nila ang kanilang mga maleta

Kinuha ni Sabrina ang cellphone habang naglalakad, at tinawagan niya si Benedict

[Phone Ringing]

Scene 18

INT. CAR- NIGHT

[Phone Ringing]

Nagriring ang Cellphone ni Benedict at kinuha at sinagot niya ito

Benedict: Hello hon

INT. INTERNATIONAL AIRPORT - NIGHT

Sabrina: Honey, andito na kami sa Airport, On the way na kami sa bahay

EXT. AIRPORT EXIT DOOR- NIGHT

Pagkalabas nila ng Airport ay pinagbuksan sila ng pintuan ng sasakayan ng kanilang mga tauhan at sumakay na sila

INT. CAR- CONTINUES

Benedict: Sige kita nalang tayo sa bahay nag pa handa si papa ng dinner .

INT. CAR- NIGHT

Sabrina: ok sige hon, see you

Scene 19

INT. BAHAY NILA EDWARD FLORES - NIGHT

[La campenella playing] [Violin version]

Tumutugtog si Sofia ng kanyang Violin, at tuwang tuwa nakangiti ang kanyang lola chielo

[Music Continues]

At habang tumutugtog si Sofia ramdam na ramdam niya ito.

[Music Continues]

At ng natapos siyang tumugtog ay pumalakpak ang kanyang lola chielo, at habang pumalakpak ito ay ngumiti si Sofia.

Sofia: Magaling po ba ako lola

Chielo: Sobrang galing mo

At niyakap ni Sofia ang kanyang lola chielo

At bigla namang kumatok sa pintuan si Edward

Sofia: Papa, kanina pa po ba kayo Nanjan

Edward: Oo, at pinapanood ko ang magaling kong anak

At hinalikan ni Edward ang kanyang anak na si Sofia sa noo.

Edward: May regalo nga pala ako sayo

Sofia: Ano po yon pa

At Binigay ni Edward ang paper bag na lalagyanan kay Sofia at ng pagkakuha ni Sofia ay agad niya itong binuksan.

At pagkabukas ni Sofia ay isa pala itong dress.

Sofia: Wow

Naglakad si Edward papunta sa gilid at nilagay ang bag niya

Edward: gamitin mo yan sa audition mo bukas anak, Papanoorin ka ni papa

Sofia: Talaga po papa

Edward: Oo naman

At niyakap ni Sofia ang kanyang tatay

Sofia: thank you po papa, ilove you po

Edward: ummm, ang Anak ko

Scene 20

INT. VALDEZ MANSION LIVING ROOM - NIGHT

[Claire de lune playing] [Piano Version]

Habang tumutugtog si Juliana ng kanyang piano ay tuwang tuwa ang kanyang Lolo.

[Music Continues]

At ng natapos ng Tumugtog si Juliana ay talagang natuwa ang kanyang lolo at pumalakpak.

Juliana: Papasa na po ba ako lolo

Sr.ignacio: Oo apo ikaw pa

At dumating si Hernalyn

Sr. Ignacio: O, andito na pala ang mommy mo

Juliana: Hi Mom

At nag beso ang mag ina.

At Lumapit naman si Hernalyn kay Sr. Ignacio at nag beso

Hernalyn: I have something for you

Juliana: what is it mom

At inabot ni Hernalyn kay Juliana ang paper bag

Hernalyn: Open it

At kinuha ni Juliana ang paper bag at binuksan

Juliana: Wow, ang ganda, thank you Mommy

Hernalyn: Your welcome

At dumating naman si Benny

Juliana: hi pa

At lumapit si Juliana kay Benny, at nag beso ang dalawa

Juliana: Andun po ba kayo bukas sa Performance test

Benny: Of course para suportahan ko ang baby girl ko

Juliana: Thank you pa

At niyakap ni Juliana si Benny, Nag tinginan sina Benny, Hernalyn, Sr. Ignacio

Sr. Ignacio: ilang oras nalang andito na yung mga galing State, Pwedeng mag usap muna tayo Benny

Benny: Ok po

Sr. Ignacio: Sumunod ka saakin

At umalis si Sr. Ignacio at sumunod si Benny

Scene 21

INT. STUDY ROOM NI SR. IGNACIO - NIGHT

Pagdating ng dalawa sa loob ay pinag-usapan nila ang bagong posisyon ni Benny sa arts high school.

Sr. Ignacio: Nilagay kita sa posisyon mo ngayon dahil gusto kong maging world class talent ang mga apo ko kaya mo namang gawin yun hindi ba

Benny: Opo, papa nakadepende naman po yun sa talent nila

Sr. Ignacio: Talent, hahahaha, Importante pa ba ang talent ngayon, kase ang alam ko basta May pera kayang mong gawin ang lahat.

Ikaw ba ano ba... ang kaya mong gawin kundi dahil sa anak ko noon baka sa kalsada ka ngayon nakatira.

At lumapit si Sr. Ignacio kay Benny at hinawakan ang balikat nito.

Sr. Ignacio: Baka parehas lang sana kayo ng tatay mo ngayon, basura, kaya kung ano ang pinapagawa ko sayo yun lang ang gagawin mo kung ayaw mong mawala sayo ang pinaka iingatan mong pamilya

At biglang kumatok ang isang maid

Sr. Ignacio: Pasok

Maid Elaisa: Senior paparating na daw po sila sir Benedict kasama po sila Ma'am Sabrina

At nagkatinginan sina Benny at Sr. Ignacio

INT. LIVING ROOM - NIGHT

Sinalubong nilang lahat ang pagdating galing ibang bansa ang pamilya ni Benedict.

Sr. Ignacio: Welcome back

At nag beso beso silang lahat,

Sabrina: Mag bless kayo sa lolo niyo.

Camille: Bless po

Rafael: Bless po

Scene 22

INT. DINING ROOM - NIGHT

Kumakain sila ng sabay Sabay

Sr. Ignacio: kamusta naman ang pag pra- practice ng mga apo ko sa new York.

Sabrina: Ok naman po papa actually po nag improve po sila ng to do

Sr. Ignacio: Buti naman aasahan ko na lahat ng apo ko ay magagaling at makakapasok sa bawa't category

Sabrina: How about you Hernalyn and Benny

Tumingin naman si Hernalyn kay Sabrina.

Sabrina: Kamusta naman kayo.

Hernalyn: Ok naman.

Sabrina: Balita ko si Benny na ang bagong director ng eskwelahan.

Tama ba Benny

Benny: Tama.

Sabrina: Ikaw na sana ang bahala sa mga Anak namin ni Benedict sa eskwela.

Benny: Oo, Naman at sisiguraduhin ko na mag i-improve pa ang mga skills nila Camille at Rafael.

Sabrina: At kapag naging presidente ng bansa si Benedict, Sisiguraduhin kong lalong mag i-improve ang Valdez arts high school at ma establish na ang Valdez college of music.

Para naman makahabol na ang Pilipinas pag dating sa larangan ng musika, O pwedeng sa kahit anong field, makikipag cooperate kaba Benny.

Benny: Of course, actually sa loob ng buwan na ito eskwelahan natin ang nanguna sa lahat ng private schools.

Sr. Ignacio: Ito na yata ang pinaka magandang Gabi ko dahil lahat ay nagkakasundo, sana laging ganito hanggang saking kaarawan.

Let's cheers everybody

At nag Cheers silang lahat

Scene 23

INT. LIVING ROOM SA BAHAY NILA BENNY - NIGHT

[Door Open]

Pumasok sina Hernalyn, Benny, Juliana sa kanilang bahay.

Hernalyn: Juliana anak

At tumingin si Juliana kay Hernalyn

Hernalyn: Umakyat Kana sa room mo May pag uusap lang Kami ng daddy mo.

Juliana: Ok po mommy.

At tumingin si Juliana kay Benny.

At nag sign language ang dalawa.

Scene 24

INT. DINING ROOM- NIGHT

Hernalyn: Makikipag cooperate ka kay Sabrina,(Humarap siya kay Benny)Anong paandar yung kanina ha.

Benny: Bakit wala na ba akong karapatang magsalita membro din naman ako ng pamilyang to ha.

Hernalyn: Hindi yun ang point ko

At tumalikod si Hernalyn.

Benny: Ano pala?... Bakit kase hindi mo nalang hayaang Manalo ang kapatid mo sa pagka presidente total siya naman ang pinaka malakas na kandidato.

Hernalyn: wala kang pakielam

Benny: Paanong hindi ako makikialam ha... Pano, kapag nalaman ng papa mo na ikaw ang kumokontra sa pagkapanalo ng kapatid mo.

Sa tingin mo hindi ka niya kayang patayin kahit anak ka pa niya.

Hernalyn: Tama naaa, Hindi ka dapat masangkot sa gantong sitwasyon, ang dapat na ginawa mo protektahan ang anak natin.

Benny: Bakit hindi na ba kitang pwedeng protektahan.

Sige... Kapag nanalo ang kapatid mo magre-resign ako bilang director at aalis na tayo sa bansang to, dahil mahal ko kayong dalawa ayaw kong mawala kayo sa peling ko.

At umakyat na si Benny sa taas

At umiiyak si Hernalyn

Scene 25

INT. COMFORT ROOM- NIGHT

Naka tayo si Benny at nakatingin sa salamin at nag iisip ng malalim.

FLASHBACK

INT.CORRIDOR - NIGHT

Naglalakad si Benny at Sr. Ignacio.

Sr. Ignacio: kapag nalaman kong May pinaplanong hindi maganda si Hernalyn, Alam muna ang mangyayari hindi ko siya sasantuhin kahit Anak ko pa siya.

Isa sa lahat ng ayaw ko ay yung tinatraydor ako ng sarili kong ka dugo, kaya kung May pinaplanong hindi maganda ang asawa mo pigilan kahit anong mangyayare.

BACK TO PRESENT

INT. COMFORT ROOM- NIGHT CONTINUES


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.